dzme1530.ph

Number coding scheme at biyahe ng Pasig River Ferry, suspendido bukas at sa Miyerkules

Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang number coding scheme sa bukas, April 9, at sa Miyerkules, April 10.

Suspendido rin ang operasyon ng Pasig River Ferry Service sa dalawang magkasunod na araw.

Deklaradong regular holidays ang April 9 na Araw ng Kagitingan o Day of Valor at ang April 10 na Eid’l Fit’r o Feast of Ramadan.

Pinayuhan naman ng MMDA ang mga motorista na laging planuhin nang maaga ang kanilang biyahe, tumalima sa batas trapiko, at panatilihin ang respeto sa kapwa.

About The Author