Opisyal na idineklara ng Department of Agriculture (DA) ang Nueva Vizcaya bilang “Ginger Capital of the Philippines” dahil sa patuloy na pangunguna ng lalawigan sa produksyon ng luya, at pagsu-supply sa malalaking trading hubs sa buong bansa.
Tinukoy ng DA ang produksyon ng Nueva Vizcaya na 7,140 metric tons ng luya mula sa 933 hectares na lupain noong 2024.
Nag-a-average ito ng 7.4 metric tons kada ektarya, na tinataniman ng nasa mahigit 5,000 magsasaka ng luya.
Ang Nueva Vizcaya rin ang major source ng malalaking trading hubs sa Northern at Southern Luzon at Metro Manila, at nakapag-deliver ng 14,753 metric tons noong nakaraang taon.