dzme1530.ph

NSTP law, maraming loopholes

Aminado ang primary author ng National Service Training Program (NSTP) Law na si Senate President Juan Miguel Zubiri na maraming loopholes ang implementasyon ng batas.

Sinabi ni Zubiri na marami anya siyang kakilala na hindi na kinailangang dumaan sa training sa NSTP at sumali lamang sa organisasyon.

Ilan anya sa mga nakarating sa kanya ay konting masahe lamang sa lider ng organisasyon ay nabibigyan na sila ng passing rate.

Kaya naman tiniyak ni Zubiri na boboto siya pabor sa panukalang ibalik ang mandatory ROTC sa kolehiyo.

Binigyang diin naman ni Zubiri na kailangang maisama sa ROTC ang modern warfare tulad ng cybersecurity dahil may mga estudyante na mga computer genuis.

Iginiit ng senador na ang isusulong na ROTC ay hindi ang stereotype at lumang military training. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author