Muling nakilahok ang mga ahensiya ng Pamahalaan sa Maynila para sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill 2024 ngayong araw.
Aktibong nakilahok sa nasabing aktibidad ang mga sangay at kawani ng pamahaalaan sa Maynila na kinabibilangan ng MPD, PCG, DPWH, at DOJ at iba pa.
Layon ng aktibidad na itaas ang kaalaman ng publiko at maging handa sa mga hakbangin na dapat gawin sakaling makaranas ng lindol o anumang sakuna .
Kasama ding itinuro sa mga ito ang ‘duck, cover and hold’, pati na ang evacuation scenarios; search, rescue, and retrieval operations; emergency medical response; at iba pa.