dzme1530.ph

NPC members, kukumbinsihing patalsikin sa kanilang partido si Mayor Guo

Kukumbinsihin ni Sen. Sherwin Gatchalian ang mga kapwa niya miyembro ng Nationalist People’s Coalition (NPC) na patalsikin na sa kanilang partido si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Sinabi ni Gatchalian na una na niyang nakausap si Senadora Loren Legarda na miyembro rin ng NPC Council of Elders at kinatigan ang kanyang rekomendasyon na alisin na ang alkalde sa kanilang partido.

Iginiit ng senador na dapat mapanatili ang integridad ng kanilang partido at hindi magandang halimbawa sa mga kasalukuyan at mga magiging miyembro pa ng NPC si Guo.

Sinabi rin ng mga mambabatas na sa mga susunod na linggo, kapag nag-convene na ang leadership meeting ng NPC, ay ilalatag nila ang suhestiyong ito.

Gagamitin ng mambabatas ang mga findings nila sa naging senate investigation bilang basehan para sa expulsion ni Guo sa NPC.

Tumakbo bilang independent candidate si Mayor Guo noong 2022 elections pero matapos nitong manalo bilang alkalde ng Bamban ay saka ito nanumpa bilang miyembro ng NPC.

About The Author