Kinalampag ni Sen. Sherwin Gatchalian ang National Power Corporation (NPC) upang gumawa ng mga hakbangin upang mabawasan ang universal charge for missionary electrification (UCME) subsidy.
Sinabi ni Gatchalian na kung maibababa ang subsidiya ay posibleng bumaba rin ang singil sa kuryente sa mga konsyumer na konektado sa main transmission grid.
Ipinaliwanag ng senador na ginagamit ang subsidiya sa pagbibigay ng kuryente sa mga off-grid na lugar o ‘yung hindi konektado sa grid.
Mula aniya ₱7.34-B noong 2015 ay tumaas na ang subsidiya sa ₱24.62-B nitong 2024.
Inirekomenda ni Gatchalian na isa sa maaaring gawin ng NPC ay paigtingin ang hybridization o kumbinasyon ng iba’t ibang sources of energy at ang pagkonekta sa main grid.
Sa pamamagitan ng hybridization, posibleng bumaba ang halaga ng enerhiya ng ₱2 hanggang ₱3/kWh.
Ayon sa DOE, nasa 60% ng subsidya ay sa mga isla ng Palawan at Mindoro. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News