dzme1530.ph

Novak Djokovic, umatras sa Indian Wells sa gitna ng isyu sa U.S. visa

Pormal nang umatras si Novak Djokovic mula sa draw para sa Indian Wells Tournament.

Ayon sa mga organizer, posibleng hindi inaprubahan ang aplikasyon para sa Covid-19 vaccination waiver ng world’s number one para makapasok sa U.S.

Ang Serbian na isa sa most high-profile athletes na hindi bakunado laban sa virus, ay nag-apply sa U.S. Government noong nakaraang buwan para sa special permit na makapaglaro sa ATP Masters Events sa Indian Wells at Miami.

Ipinagbabawal sa U.S. ang pagpasok ng unvaccinated foreigners na isang polisiya na inaasahang babawiin ng pamahalaan sa pagtatapos ng kanilang Covid-19 emergency declarations sa May 11.

Simula noong 2019 ay hindi nakapaglaro si Djokovic sa back-to-back ATP Masters Events sa Indian Wells at Miami, na dalawa sa pinakamalaking tournaments sa ATP calendar at kilala bilang “sunshine double.”

About The Author