dzme1530.ph

Notorious IP organizer sa Mindanao, isa sa anim na nasawing NPA sa Bohol

Kinilala ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isa sa anim na nasawi sa nangyaring engkwentro sa pagitan ng New People’s Army (NPA) at mga sundalo sa bayan ng Carmel, Bohol.

Ayon kay Lieutenant General Benedict Arevalo, Commander ng Visayas Command, ang isa sa anim na nasawi ay kinilalang si Kerlan Fanagel, Chairpeson ng PASAKA, na nagpakilalang Indigenous People na Lumad.

Nakilala si Fanagel sa dala nitong ID at sa pagberipika ng AFP sa mga record nito sa ahensya.

Dagdag pa ni Arevalo, pagpapatunay lamang ito na ginagamit ng CPP-NPA ang mga Indigenous Community para itago ang kanilang tunay na pagkatao para ibagsak ang gobyerno. –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author