Inanunsyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na sisimulan bukas, araw ng Biyernes, ang pagsasaayos at pagpapatibay ng Manuel Roxas Jr. flyover sa Maynila.
Sa social media post, sinabi ng DPWH-National Capital Region na uumpisahan ng North Manila District Engineering Office ang repairs sa mga piling expansion joints ng northbound portions ng flyover, simula bukas ng 10:00p.m.
Idinagdag ng DPWH na upang matiyak ang kaligtasan at mabilis na paggawa ay magpapatupad ng partial lane closures sa mga segment.
Ayon sa ahensya, ang repairs ay tatagal ng pitong araw kada segment, kaya asahan ng mga motorista ang pagbagal ng trapiko sa lugar.
Maaari namang gamitin ang Service Roads bilang mga alternatibong ruta.