dzme1530.ph

NON PARTICIPATION NI VP SARA DUTERTE SA IMPEACHMENT PROCEEDINGS, MAITUTURING NA CULPABLE VIOLATION OF THE CONSTITUTION

Loading

Binigyang-diin ni Congw. Gerville Luistro na ang non-participation ni Vice President Sara Duterte sa impeachment proceeding ay “tantamount to a culpable violation of the Constitution.”
 
Binanggit ni Luistro ang jurisprudence sa mga nakalipas na impeachment proceedings, na ang non-participation sa proseso ay may mabigat na implikasyon.
 
Iginiit nito na anumang public office ay nagde-demand ng accountability, at hindi pag-iwas at lahat ng public officials ay sakop ng oath na ito.
 
Ang inaasahan umano ng taumbayan ay hindi pag-iwas kundi pagharap, hindi katahimikan, kundi pananagutan.
 
Sa mga oras na ito patuloy ang diskusyon ng mga kongresista sa gagawing proseso lalo pa at walang respondent o abogado ng inaakusahan ang dumating. 

About The Author