![]()
Isinulong ni Presidential Son at House Majority Floor Leader Sandro Marcos ang panukala para ipatupad ang ‘no work, no pay’ policy sa mga mambabatas.
Sa House Bill No. 7432, ang mga mambabatas ay makakatanggap lamang ng sweldo para sa mga araw na sila ay present at tumutupad sa official legislative duties gaya ng…..
- plenary sessions
- committee hearings na kasapi ang Kongresista, at
- iba pang opisyal na aktibidad.
Ang pagliban o pag-absent ng isang mambabatas nang walang balidong rason ay magreresulta sa pagkaltas sa kanilang sweldo o kompensasyon.
Kung balido naman ang kadahilanan ng pag-absent, kinakailangan itong magsumite ng….
- medical certificate na pirmado ng licensed physician kung ito ay nagkasakit.
- authorization mula sa House leadership kung ito ay nasa official duty o business.
- authorization kung ito ay nasa authorized travel o mission, at
- aprubadong leave of absence.
Ang panloloko o pandaraya sa attendance record o claim compensation ay mahaharap sa disciplinary action o parusa gaya ng suspension o expulsion.
Mandato na ring ilathala ang attendance record sa ngalan ng transparency at pagpapanumbalik ng tiwala ng publiko.
Sa paliwanag ni Marcos, ang ‘no work, no pay’ ay isang general labor standard na umiiral sa mga manggagawa, subalit sa Kongreso, tuloy-tuloy umano ang sweldo kahit absent at hindi nakikisali sa trabaho ang isang mambabatas.
