Magpapatupad ng “No Pocket and No Jacket Policy” ang pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) matapos nakawan ng mga tauhan nito ang isang banyagang turista na nakunan pa ng video kamakailan.
Sa panayam ng DZME1530, hiyang-hiya si Undersecretary Mao Aplaska dahil sa masamang imahe na natamo ng bansa bunsod nang nangyaring nakawan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sa kabila ng kahihiyan, sinabi ni Aplaska na marami pa rin sa mga tauhan ng paliparan ang tapat at inilaan ang buhay para pangalagaan ang imahe nito.
Marami rin sa mga ito ang hindi nasisilaw sa pera at kadalasan ay nagsosoli pa ng mga mamahaling gamit na hindi sinasadyang maiwan ng mga pasahero.