dzme1530.ph

“No Fashion Coverage” sa SONA, iniatas ng Kamara

Loading

“No staged ceremonies… no fashion coverage.”

Ito ang buod ng inilabas na memorandum ni House Secretary General Reginald Velasco kaugnay ng nakatakdang pagdalo ng mga miyembro ng 20th Congress at iba pang panauhin sa ika-apat na State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Lunes.

Batay sa memo na may petsang July 25, 2025, mahigpit na ilalaan lamang ang red carpet para sa ingress at official protocol. Ibig sabihin, wala umanong magiging photo set-up sa bahaging ito ng Batasan.

Bagama’t limitado ang red carpet access, nananatili pa rin ang formal attire bilang dress code, kung saan hinihikayat ang mga dadalo na magsuot ng tradisyonal na barong at Filipiniana.

Mananatili rin ang media access para sa mga accredited press personnel para makapangalap ng panayam at makapagbigay ng coverage sa pagbubukas ng 20th Congress at sa SONA ni Pangulong Marcos Jr..

About The Author