dzme1530.ph

NNIC tiniyak na walang agarang pagbabago sa mga terminal assignment

Muling iginiit ng New NAIA infra Corporation (NNIC) sa publiko na walang agarang pagbabago sa mga terminal assignment na magaganap sa Ninoy Aquino International Airport.

Ito ang tiniyak ni NNIC General Manager Angelito Alvarez Kasunod ng turnover kamakailan sa mga operasyon sa Paliparan.

Ayon kay Alvarez ang status quo ay nananatili, habang ang mga operasyon sa airport ay patuloy na maayos sa ilalim ng bagong pamamahala.

Tiniyak ni Alvarez na ipapaalam unti unti sa mga manlalakbay ang anumang pagbabago sa terminal sa hinaharap, upang matiyak ang maayos at mahusay na paglilipat bilang bahagi ng mas malawak na modernisasyon.

Nakahanay na rin aniya ang mga pagsasaayos at patuloy na pag-upgrade ng imprastraktura at technical sa paliparan, upang matiyak ang tuloy-tuloy ang magandang karanasan ng mga pasahero.

Idinagdag pa ni Alvarez na ang mga terminal reassignments ay hindi ipapatupad nang sabay-sabay ngunit unti-unti sa paglipas ng panahon, na may layuning mabawasan ang anumang abala. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author