dzme1530.ph

NNIC, nagbabalang e-impound ang ilang sasakyan na 2014 pa nakaparada sa parking ng NAIA

Nagbabala ang pamunuan ng NNIC sa mga may-ari ng sasakyan na nakaparada sa parking ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Mahigit 20 sasakyan ang inabandona sa mga parking facility ng Ninoy Aquino International Airport at ang ilan, 2014 pa nakaparada.

Pinakukuha na ng New NAIA Infrastructure Corp. sa mga may-ari ang nasabing mga sasakyan dahil sa posibleng safety hazards at upang mapaluwag ang parking para sa mga pasahero.

Ayon sa NNIC, bibigyan nila ng huling pagkakataon ang mga car owner para kunin ang kanilang sasakyan bago sila mapilitang ipa-impound ang mga ito sa impounding ng pamahalaan.

Nangako naman NNIC sa mga may-ari ng sasakyan na i-we-waive nila ang anumang applicable fees o parking fee ng mga ito basta kunin lamang ang kanilang matagal nang naka park sa pasilidad ng NAIA.

Kailangan lamang magpresinta ng proof of ownership at valid identification para makuha ang mga sasakyan. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author