dzme1530.ph

NNIC maglalagay ng modernong drainage system, sa paligid ng NAIA terminals

Loading

Kinumpirma ng New NAIA Infra Corporation ang kanilang pag-hahanda para sa pag-install ng modernong drainage system sa paligid ng NAIA Complex.

Ayon kay NNIC President Ramon Ang, maglalagay din sila ng flood barriers, at stormwater pumping facility para maiwasan ang pagbaha sa paligid ng NAIA terminals.

Sinabi ni Ang na ito ay bahagi ng kanilang long-term investment sa paliparan, kung saan, patuloy din ang clean-up drive ng NNIC sa tatlong kilometrong river channels kabilang na ang bahagi ng Parañaque River sa Barangay Tambo.

Gayundin sa Don Galo River, at Villanueva Creek malapit sa Barangay La Huerta sa Parañaque City.

Umaabot na aniya sa 139,158 metric tons ng mga basura ang nakolekta ng NNIC sa paligid ng NAIA terminals.

About The Author