dzme1530.ph

NKTI Gym, ginawang leptospirosis ward sa gitna ng pagdagsa ng mga pasyente

Kinonvert bilang Leptospirosis Ward ang Gymnasium ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) bunsod ng pagdagsa ng mga pasyente matapos ang pananalasa ng bagyong Carina at pinaigting na Habagat.

Sa kasalukuyan ay mayroong 48 pasyente na tinamaan ng leptospirosis na naka-confine sa NKTI.

Samantala, mayroon pang 10 pasyente na naghihintay sa Emergency Room at hindi pa ma-admit dahil sa kakulangan ng bilang ng medical staff sa ospital.

May mga Nurse at Nursing Aides na inilipat mula sa iba’t ibang wards para alagaan ang Leptospirosis patients sa gym.

Inihayag ng NKTI na normal ang pagdagsa ng mga pasyenteng may leptospirosis pagkatapos ng bagyo.

About The Author