Nanantiling sapat ang suplay ng tubig sa mga irigasyon at sakahan sa Pilipinas.
Ayon kay National Irrigation Administration (NIA) Acting Administrator Eduardo Guillen, handa na ang kanilang ahensya at kanilang mga partner agencies para sa mga hakbang na gagawin sakaling magkulang ang suplay ng tubig.
Dagdag pa ng opisyal, sa ngayon ay nagsasagawa na rin sila ng mga pagsasanay tungkol sa Alternate wetting and Drying technique, upang madagdagan pa ang mga lugar na magkaroon ng malinis na suplay ng tubig.