Inilipat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ilalim ng Office of the President ang National Irrigation Administration, mula sa Dep’t of Agriculture.
Sa Executive Order no. 69, nakasaad na nararapat na i-streamline at i-rationalize ang functional relationships ng mga ahensyang may magkakaugnay na mandato para sa koordinasyon at efficiency.
Sinabi rin sa kautusan na mahalaga ang irrigation management sa pagkakamit ng food security at infrastructure development.
Kaugnay dito, ni-reorganize ang NIA Board of Directors at bubuuin na ito ngayon ng kinatawan mula sa OP, NIA administrator, mga kalihim ng DPWH, DA, at NEDA, at kinatawan mula sa pribadong sektor na itatalaga ng Pangulo.
Ihahalal naman ang chairperson, vice-chairperson, at iba pang officers ng NIA Board alinsunod sa GOCC Governance Act of 2011. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News