Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang National Irrigation Administration na pag-aralan na rin ang paglalagay ng solar power facility sa Magat Dam sa Northern Luzon.
Ito ay kasunod ng pagpapasinaya sa Cabaruan Solar Pump Irrigation Project sa Quirino, Isabela, na itong pinaka-malaking solar pump irrigation sa bansa.
Ayon sa Pangulo, kinausap na niya si NIA Administrator Eduardo Guillen upang maibalik ang sigla ng Magat Dam.
Kabilang dito ang pagsasagawa ng rehabilitasyon at modernisasyon.
Kasabay nito’y iginiit ni Marcos na hindi nagkamali ang kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa pagpapatayo ng Magat Dam, na magsisilbing susi sa pag-unlad ng agrikultura sa Isabela at sa buong Cagayan Valley.