Patuloy na naghahanda ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa magiging epekto ng bagyong Amang, partikular sa mga transmission operations at facilities sa bansa.
Kabilang sa inilatag na precautionary measures ng NGCP ang kahandaan ng pasilidad ng komunikasyon, pagtitiyak sa mga kagamitang kailangan sa pagkukumpuni ng mga masisirang pasilidad, at gayundin ang pagdedeploy ng line crews sa mga lugar na maaring daanan ng bagyo.
Una nang tiniyak ng National Electrification Administration (NEA) ang paghahanda ng mga electric coop sa Catanduanes upang mabawasan ang posibleng pinsala ng naturang bagyo sa kanilang transmission facilities. —sa panulat ni Airiam Sancho