Nagsanib-pwersa ang National Grid Corp. of the Philippines at Dep’t of Information and Communications Technology para sa pagpapabilis ng National Fiber Backbone Project, na layuning mapabuti ang internet connection sa bansa.
Lumagda sina NGCP President and CEO Anthony Almeda at DICT Sec. Ivan John Uy sa lease agreement para sa private telecom network infrastructure at substations ng proyekto.
Ang NFB ay naka-linya sa National Broadband Plan, na may mithiing mapabilis ang deployment ng fiber optic cable at wireless technology para sa mas maayos at mas accessible na internet sa buong Pilipinas.
Sinabi ni Sec. Uy na ang specific site lease agreement ay magbibigay-daan sa paghahatid ng “lighting-fast” broadband connectivity sa mga Pilipino.
Tiniyak naman ni Almeda ang patuloy na pagdodoble-kayod ng NGCP sa ilalim ng liderato ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., para sa pagsasakatuparan ng NFB tungo sa pagkakamit ng “Digitally Inclusive Philippines”.