dzme1530.ph

NFA warehouses para sa buffer stocks ng bigas, puno pa rin sa kabila ng sunod-sunod na bagyo

Loading

Nananatiling puno ng buffer stocks ng bigas ang mga warehouse ng National Food Authority (NFA) sa buong bansa sa kabila ng pananalasa ng sunod-sunod na bagyo noong nakaraang dalawang linggo.

Ayon kay NFA Administrator Larry Lacson, hindi pa nababawasan nang malaki ang kanilang stocks sa mga bodega.

Aniya, kahit dumaan ang mga bagyo, handa ang NFA, at kung mayroon mang napinsalang bodega, dalawa lamang ang apektado, isa sa Alaminos, Pangasinan, at isa pa sa La Union.

Idinagdag ni Lacson na mayroong sapat na stocks ang NFA na tatagal ng labindalawang araw, o katumbas ng siyam na milyong sako ng palay.

About The Author