dzme1530.ph

NFA, pinuna sa pagbili ng palay sa mga trader imbes sa magsasaka                   

Loading

Pinuna ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ang National Food Authority (NFA) matapos mapaulat na bumibili ito ng palay mula sa mga trader, at hindi direkta sa mga magsasaka sa Isabela.

Nanawagan ang senador na agad tugunan ang reklamo ng mga magsasaka, kasabay ng paalala na ipinagbabawal ng patakaran ang pagbili mula sa trader.

Ayon kay NFA Administrator Larry Lacson, mahigpit na ipinatutupad ang panuntunang magsasaka lamang ang direktang makakapagbenta ng palay upang matiyak na ang benepisyo ay hindi napupunta sa middleman at nananatiling transparent ang proseso.

Binigyang-diin ni Pangilinan na dapat istriktong ipatupad ang 2019 Sagip Saka Act, na nagbibigay-daan sa gobyerno na direktang bumili ng bigas at produktong agrikultural mula sa mga magsasaka nang hindi dumaraan sa public bidding.

About The Author