dzme1530.ph

NFA, nagtakda ng bagong buying price ng palay

Nagtakda ang National Food Authority (NFA) Council ng bagong buying price ng palay, sa paglalayong maitaas ang kita ng mga magsasaka at matiyak ang sapat na suplay.

Nagpatawag ng meeting ngayong araw ng Lunes si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na siya ring tumatayong chairman ng NFA Council, upang tingnan ang presyong maaaring itakda sa pagbili ng NFA sa palay sa harap ng umano’y nagbagong sitwasyon.

Kaugnay dito, inanunsyo ng Pangulo na napagpasiyahang itakda ang buying price ng dry palay sa P19 hanggang P23 kada kilo, at P16 hanggang P19 per kilo sa wet palay.

Mas mababa naman ito sa orihinal na mungkahi na P20 hanggang P25 per kilo ng palay.

Sinabi ni Marcos na kaakibat ng mandated price ceiling sa bigas ay layunin nitong makontrol ang presyo ng nasabing commodity. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author