dzme1530.ph

NFA, magbebenta ng ₱20 na bigas sa mga rehistradong magsasaka simula Agosto

Loading

Bubuksan na para sa mga rehistradong magsasaka sa ilalim ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) ng Department of Agriculture ang programang “Benteng Bigas, Meron Na!”

Ayon sa DA, simula Agosto 13, makakabili na ang RSBSA-registered farmers ng bigas sa halagang ₱20 kada kilo.

Giit ni Agriculture Sec. Francisco Tiu-Laurel Jr., nararapat lang na makinabang sa benteng bigas ang mga nagtatanim ng palay, katulad ng mga sektor na itinuturing na vulnerable, pati na ang minimum wage earners.

Unang ilulunsad ang ₱20 rice program para sa rehistradong magsasaka sa mga rehiyon ng Cagayan Valley at Central Luzon.

Sa tala ng ahensya, nasa 2.9 milyong magsasaka na ang rehistrado sa ilalim ng RSBSA.

About The Author