dzme1530.ph

NFA, HUMILING NG SPECIAL POWERS PARA MAKAPAGBENTA NG MURANG BIGAS SA CONSUMERS

Loading

Nais ng National Food Authority na magkaroon ng pansamantalang kapangyarihan o special powers para direktang makapagbenta ng murang bigas sa mga konsyumer.

 

Sasaklawin ng special powers ang biglaang pagbili ng bigas para mapanatiling abot-kaya ang presyo nito.

 

Ayon kay NFA Administrator Larry Lacson, kailangan nang mapadali ang proseso sa sistema ng pamamahagi ng gobyerno ng bigas para mapigilan ang pagtaas ng presyo.

 

Sa kasalukuyan, limitado lamang ang nagagawa ng NFA sa pagbebenta ng lokal na bigas, kasama na ang pag-aalok ng bente pesos kada kilo na bigas sa Kadiwa Centers at mga lokal na pamahalaan.

 

Ayon kay Lacson, binabalak nila na mag-alok din ng 33 pesos kada kilo ng bigas para mabilis na mabawasan ang mga naka-imbak nilang bigas sa mga bodega.

 

Malapit na, anya, ang panahon ng anihan at bibili muli sila ng palay mula sa mga lokal na magsasaka.

 

Sa ngayon, tatagal ng higit 10 araw ang nakaimbak na 360,000 metrikong tonelada ng bigas sa mga bodega.

About The Author