dzme1530.ph

NFA, GAGAWING MAS MABILIS AT MAS EPEKTIBO ANG SISTEMA SA RICE AUCTION

Loading

Magpapatupad ang National Food Authority (NFA) ng adjustments para sa pag-o-auction ng bigas upang matiyak ang mas mabilis at mas epektibong sistema.

 

Nagbukas ng bidding ngayong buwan para sa ikatlong auction ng NFA ng “good-quality aging rice stocks,” kung saan 750,000 bags ang ire-release.

 

Ang next round ng auction ay maaring i-rollout sa unang bahagi ng abril, kasunod ng Holy Week.

 

Sinabi ni NFA Administrator Larry Lacson na habang umaasa sila na maging matagumpay ang bidding, inaayos nila ang mga hakbang para mapagbuti ang mga proseso.

 

Kabilang aniya sa adjustments na kanilang ikinunsidera ay rice volume, area level, at timeline.

 

Gayunman, ang planong adjustments ay subject pa rin sa approval ng NFA Council.

About The Author