Pinatawan ng preventive suspension ng Office of the Ombudsman si National Food Authority Administrator Roderico Bioco maging ang 139 na opisyal at empleyado ng ahensya matapos mabulgar ang pagbebenta ng libo-libong toneladang bigas.
Ito ang sinabi ni Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr..
Maliban kay Bioco, suspindido rin ng 6 na buwan na walang sweldo sina Asst Administration for Operations John Robert Hermano at ang mga Regional Supervisors at mga Warehouse Managers ng NFA.
Ayon sa DA official ito muna ang pansamantalang mamumuno at mangangasiwa sa NFA habang umiiral ang naturang suspension at umaandar ang imbestigasyon.
Nag-ugat ang kaso sa umano’y pagbebenta ng National Food Authority ng 75,000 sako ng NFA rice na nagkakahalaga ng P93-M sa isang negosyante sa mababang presyo o P25 kada kilo na ikinalugi ng gobyerno.