Napanatili ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang “good” net satisfaction rating noong fourth quarter ng 2023, batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa December 8-11, 2023 survey, lumitaw na 65 percent ng 1,200 adult respondents, ang nagsabing kontento sila sa performance ng pangulo.
21 percent naman ang nagsabing hindi sila kontento sa trabaho ni Marcos habang 14 percent ang undecided.
Dahil dito, nakakuha si Pangulong Marcos ng “good” positive 47 na rating, na mas mataas ng 3 points mula sa positive 44 na natanggap nito noong September 2023.
Ayon sa SWS, tumaas ang net satisfaction rating ni Marcos sa lahat ng lugar sa Pilipinas, maliban sa Mindanao.