Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Negros Occidental Rep. Jose Francisco “Kiko” Benitez bilang bagong Director General ng Technical Education and Skills Development Authority.
Inanunsyo ng Presidential Communications Office na si Benitez ang papalit sa nag-resign na si Former Tesda Chief Suharto Mangudadatu.
Kumpiyansa umano ang administrasyong Marcos sa abilidad ng mambabatas na pamunuan ang TESDA para sa pag-aangat sa technical skills ng Filipino workforce at pagsusulong ng learning opportunities, tungo sa pagpapalago ng ekonomiya.
Inaasahan ding kanyang ipagpapatuloy ang pagtataguyod sa mahalagang papel ng TESDA sa nation-building, sa pamamagitan ng dekalidad na edukasyon at training sa mga manggagawa, partikular na ang mga nasa pinaka-ilalim na sektor ng lipunan.
Samantala, nagpapasalamat ang Office of the President kay Mangudadatu para sa kanyang serbisyo at kontribusyon sa TESDA.