Itatatag na ang Negros Island Region bilang pinaka-bagong rehiyon sa bansa.
Ito ay sa bisa ng Republic Act 12000 na nilagdaan ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa seremonya sa Malacañang ngayong Huwebes ng hapon.
Sa ilalim nito, lilikhain ang Negros Region na kabibilangan ng Negros Occidental kasama ang Bacolod City, Negros Oriental, at Siquijor.
Sa kanyang talumpati, inihayag ng pangulo na matagal na dapat pinagsama ang dalawang negros provinces sa iisang rehiyon, dahil ang negrenses ay ilang dekada nang nagdaraan sa mga problema sa sea travel at unnecessary expenses, bureaucratic red tape, at iba pang problema tulad ng access sa gov’t services sa regional centers.
Kaugnay dito, naniniwala si Marcos na sa pamamagitan ng bagong batas ay magiging pantay na ang pagsulong ng dalawang probinsya, at ang negros island ay magiging isa nang lugar ng mas malawak na paglago at sentro ng pag-unlad sa Visayas.