dzme1530.ph

NEGOSYANTENG SI CHARLIE ATONG ANG, NASA VIETNAM, AYON SA INTEL REPORTS

Loading

Nakikipag-ugnayan na ang Philippine authorities sa kanilang counterpart sa Vietnam kasunod ng intelligence report na doon nananatili ang negosyanteng si Charlie Atong Ang.

 

Ayon kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, nagsasagawa na sila ng diplomatic efforts sa Vietnam upang makita kung pasok sa immigration record nila ang wanted na negosyante.

 

Sinabi ni Remulla na maaaring gamitin ng gobyerno ang extradition treaty sa Vietnam upang mapauwi si Ang.

 

Ipinaliwanag ng kalihim na posibleng umalis ng Pilipinas si Ang at ginamit ang backdoor sa Mindanao patungong Malaysia bago nagtungo ng Vietnam.

 

Maaari anyang isinakatuparan ito ni Ang ilang linggo bago mailabas ang warrant of arrest laban sa kanya.

 

Si Ang ay nahaharap sa kasong multiple counts of kidnapping with homicide, kidnapping at serious illegal detention, kaugnay sa mga nawawalang sabungero.

About The Author