![]()
Napigilan ang mga awtoridad sa agarang pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa negosyanteng si Charlie “Atong” Ang, sa bahay nito sa Pasig City.
Nagkaroon ng tensyon nang hindi payagan ng isang empleyado na makapasok sa bahay ang team mula sa Criminal Investigation And Detection Group (CIDG), sa kabila ng dala nilang kopya ng arrest warrant.
Makalipas ang nasa sampung minuto ay naglagay na ang mga awtoridad ng hagdan sa harapan ng gate, subalit nanatili pa rin itong sarado.
Isang abogado naman ni ang, ang dumating at hiniling sa mga pulis na hayaan muna itong makapasok sa bahay bago sila sumunod.
Apat na police officers at isang barangay official ang pumasok at naghalughog sa bahay sa loob ng halos isang oras subalit hindi natagpuan ang negosyante.
Naglabas ang regional trial court sa Sta. Cruz, Laguna ng warrant of arrest laban kay Ang at sa labimpito pang indibidwal kaugnay ng kidnapping with homicide case, na non-bailable offense sa ilalim ng batas.
