dzme1530.ph

Negosasyon sa PH-EU FTA, inaasahang ma-isasapinal na sa 2027

Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maisasapinal na sa 2027 ang negosasyon para sa Philippines-European Union Free Trade Agreement.

Sa kanyang talumpati na binasa ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa 2024 European-Philippines Business Dialogue and European Investors’ Night sa Makati City, inilarawan ng Pangulo ang PH-EU FTA bilang malaking hakbang sa pagpapalakas ng kalakalan ng Pilipinas at EU, at simbolo ng kasaganahan at kolaborasyon sa hinaharap.

Kaugnay dito, umaasa si Marcos na sa susunod na tatlong taon ay mabubuo na ang komprehensibong kasunduan.

Bukas din umano ang bansa na patuloy na tumanggap ng EU Investments sa key sectors tulad ng Renewable Energy at Electronics Manufacturing, gayundin sa IT-BPM, Agrikultura, at Fishery processing.

Inaasahan ding maglalaman ang FTA ng mga probisyon para sa Digital Trade at Intellectual Property Rights.

About The Author