Isinulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpapatuloy ng negosasyon sa Philippine-EU Free Trade Agreement (FTA) o malayang kalakalan sa pagitan ng European Union at Pilipinas.
Sa kanyang talumpati sa Philippine-German Business Forum sa Berlin, inihayag ng pangulo na mahalaga ang suporta ng Germany para sa muling pagbubukas ng negosasyon sa Free Trade Agreement, gayundin sa reapplication ng Pilipinas sa Generalized Scheme of Preferences (GSP) na nagtatanggal ng import duties sa mga produktong ipinapasok sa EU mula sa vulnerable developing countries.
Mababatid na na-tengga simula noong 2017 ang negosasyon sa FTA.
Ilan sa mga produktong inaangkat ng EU sa Pilipinas ay electronic equipment, machinery, karne at seafood, at marami pang iba.