dzme1530.ph

Negative COVID tests result, hindi na required sa pagkuha ng 2023 Bar Examinations

Hindi na kinakailangan na magpakita ng negative RT-PCR o antigen test results ang mga kukuha ng 2023 Bar Examinations ngayong Setyembre.

Sa inilabas na guidelines ng Office of the 2023 Bar Chairperson, inalis na ang dating patakaran na mandatory ang pagsusumite ng negative COVID tests, sa halip ay hinikayat ang mga examinees na magpabakuna kontra COVID-19.

Ayon kay 2023 Bar Chair Associate Justice Ramon Paul Hernando, inilabas nila ang bagong set ng Guidelines and Rules of Conduct para matiyak ang maayos at hassle-free na pagdaraos ng Bar Exams.

Sinabi pa ni Hernando na ang Bar Examinations ay hindi lamang pagsusulit para makapasok sa propesyon kundi isa ring court proceeding.

Dahil dito, anumang paglabag sa panahon ng Bar Examinations ay ituturing na contempt of court.

Ipagbabawal pa rin ang tradisyon noon na salubong at iba pang pagtitipon para sa mga kumukuha ng Bar.

Ito’y para maiwasan ang kaguluhan at mapanatili ang kaayusan at kapayaan sa araw ng pagsusulit kung saan hangad ng SC na matapos ito ng walang problema o aberya. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author