Naninindigan ang Philippine National Police (PNP) sa isinagawa nitong drug testing na lehitimo at tama ang proseso na kanilang ginawa.
Ayon kay PNP Forensic Group Director Police BGen Constancio Chinayog, tanging ang proseso lamang ng PNP sa pagkuha ng urine sample ang kanilang kakatigan at maliban dito ay wala na.
Dagdag ni Chinayog, kung sakali mang magnegatibo sa kahit saang ahensya ng gobyerno o maging sa pribadong kumpanya sa drug testing si dating Mandaluyong Police Chief PCol. Cesar Gerente ay hindi nila ito kakatigan.
Ganunpaman, bukas ang tangapan ng PNP sa anumang hamon sa naging resulta o confirmatory test laban kay Gerente.
Aniya, sa internal Affairs service na lamang sya magpaliwanag na siyang nagiimbestiga sa kaso ng koronel. –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News