Desidido si Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel na matuldukan na ang negatibong paniniwala sa kalidad ng bigas ng National Food Authority (NFA).
Ayon sa Department of Agriculture (DA), pinulong kamakailan ni Secretary Francisco Tiu Laurel, ang regional managers at matataas na opisyal ng NFA upang matiyak na maisasakatuparan ang kanilang target.
Binigyang diin ng Kalihim na ang subsidized rice program ay maituturing na oportunidad upang maalis ang stigma na mahinang klase ang NFA rice.
Idinagdag ni Tiu Laurel na nais nilang patunayan na ang murang bigas na kanilang ibinebenta sa mga nangangailangan ay hindi lamang abot-kaya, kundi malinamnam, masustansya, at kapareho ng ilang imported na klase ng bigas.
Una nang binatikos ni Vice President Sara Duterte ang ₱20 na per kilo ng bigas na ibinebenta ng gobyerno, sa pagsasabi umano na maaari itong ipakain sa mga alagang baboy.