dzme1530.ph

Negatibong epekto sa ekonomiya ng isinusulong na umento sa sahod sa pribadong sektor, malabo!

Pinawi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang posibleng negatibong epekto sa ekonomiya ng isinusulong na P100 wage increase para sa mga manggagawa sa pribadong sektor.

Katunayan sinabi ni Villanueva na sa pagtataas ng sahod ng mga mangagawa, tataas din ang kanilang buying capacity kaya’t gaganda rin ang takbo ng ekonomiya.

Kasabay nito, kumpiyansa rin si Sen. Jinggoy Estrada, sponsor ng panukalang dagdag sahod na hindi magreresulta sa mas mataas na inflation rate ang umento sa sweldo.

Sa gitna ito ng pagkwestyon ni Sen. Win Gatchalian sa inflationary impact ng dagdag sahod.

Sinabi ni Gatchalian na marami sa mga negosyante at ekonomista ang nangangamba na sa pagdaragdag ng sahod, tataas din ang mga presyo ng mga produkto dahil sa demand kaya naman aangat din ang inflation.

About The Author