Thumbs down sa National Economic and Development Authority (NEDA) ang panawagang pag-boycott sa China kaugnay ng pagne-negosyo, sa harap ng sigalot sa West Philippine Sea.
Sa press briefing sa Palasyo, igiiniit ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan na kailangang protektahan ang ekonomiya anuman ang mangyari.
Sinabi pa nito na ang ekonomiya ng China at Pilipinas ay kapwa bahagi ng Global Value Chain, kaya’t hindi dapat putulin ang ugnayan ng mga ito.
Kasabay nito’y binigyang diin ng NEDA Chief na kung babalikan ang kasaysayan ay makikitang hindi talaga umuubra ang pagbo-boycott.
Kaugnay dito, tulad umano ng sinabi ng Pangulo ay dapat maging kaibigan at hindi kaaway ng Pilipinas ang lahat.
Idinagdag pa ni Balisacan na mas makabubuting gamitin na lamang ang diplomatic channels upang ma-resolba ang mga isyu. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News