dzme1530.ph

NEDA, hinamon ng isang linggong immersion sa mahihirap na komunidad

Matapos magpalabas ng hindi umano kapani-paniwalang poverty threshold data ang economic team, hinamon ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na sumalang sa isang linggong immersion sa mahihirap na komunidad ang mga opisyal ng NEDA para malaman ang tunay na lagay na kahirapan.

Una nang sinabi ng NEDA na sa taong 2023, hindi masasabing “food poor” o hindi hirap makabili ng pagkain ang isang indibidwal kung may ₱64 na budget sa pagkain sa isang araw at hindi maituturing na mahirap kung may ₱91 na kita ito sa bawat araw.

Iginiit ni Pimentel na masyadong theoretical ang NEDA sa pagsukat ng antas ng kahirapan sa bansa.

Hindi na aniya makatotohanan ang mga datos at upang maisaayos ito, dapat sumailalim sa isang linggong immersion ang mga opisyal ng NEDA upang mas epektibo nilang masolusyunan ang kahirapan.

Idinagdag pa ng senador na nakakaawa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil ang bilang na ginagamit sa report ng taumbayan ay galing sa hindi makatotohanang ulat ng NEDA.

Kung nais anya ng Pangulo na magtagumpay sa paglaban sa kahirapan ay dapat magdemand ito sa kanyang secretaries ng evidence-based decision making at hindi puro theoretical figures.

About The Author