Sinelyuhan ng National Electrification Administration (NEA) ang deal para sa dalawang buwan na additional power supply para sa Occidental Mindoro na isa-subsidize ng pamahalaan.
Sinabi ng NEA na simula sa Sabado, April 29, magkakaroon ang mga residente ng Occidental Mindoro ng karagdagang anim hanggang pitong oras kada araw na supply ng kuryente sa loob ng dalawang buwan.
Ito’y matapos malagdaan ang kasunduan sa pagitan ng ahensya at ng Power Systems Inc. (PSI) para sa pag-operate ng isang power plant sa bayan ng San Jose.
Nilinaw ng NEA na ang gastos sa renta at operasyon sa planta ng PSI sa loob ng dalawang buwan ay hindi ipapasa sa mga consumer at magsisilbing subsidiya mula sa national government.
Isa lamang ang pag-upa sa power plant ng PSI sa mga hakbang na isinasagawa ng NEA upang maresolba ang power crisis sa Occidental Mindoro. —sa panulat ni Lea Soriano