Isasailalim sa mano-manong review ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga paglabag na nahuli sa No Contact Apprehension Policy (NCAP), bago mag-isyu ng mga ticket.
Ipinaliwanag ni MMDA Chairman Romando Artes na hindi lahat ng kanilang mga camera ay may Artificial Intelligence (AI).
Aniya, sa EDSA lamang mayroon nito at ang mga nakuhanang violations ay nire-review ng kanilang mga empleyado na deaf-mutes, upang tiyakin na tama ang apprehension.
Binigyang diin din ni Artes na ang implementasyon ng NCAP ay para maitanim ang disiplina sa mga motorista at hindi para pagkakitaan ng ahensya.