dzme1530.ph

NBI, SIMULAN NG IMBESTIGAHAN ANG ALEGASYON NG 18 EX-MARINES

Loading

Nagsasagawa na ang National Bureau of Investigation (NBI) ng inisyal na pagsisiyasat sa akusasyon at personalidad ng 18 ex-Marines na nag-akusa na binigyan ni dating Cong. Zaldy Co ng male-maletang pera ang ilan mga opisyal ng pamahalaan.

 

Kinumpirma na NBI Director, Atty. Melvin Matibag na sinimulan na nila ang kanilang initial investigation matapos atasan ng Office of the Ombudsman noong Lunes.

 

Kabilang sa mga nabanggit na personalidad ng 18 na dating sundalo sa kanilang ginawang pagbubunyag ay sina Co, dating Speaker Martin Romualdez, at dating Marikina Rep. Stella Quimbo.

 

Kamakailan ay diniinan ng dalawang dating Marines na sina Belnard Tube at Benny Bulontante ang nauna nilang pahayag na naghatid sila ng mga maleta na puno ng pera sa bahay ni Quimbo.

 

Upang suportahan ang kanilang alegasyon ay nagbigay sila ng larawan ng walong malalaking maleta na naglalaman ng 50 hanggang 70 million pesos at isang maliit na maleta na may 15 hanggang 25 million pesos.

 

Isiniwalat din grupo ng ex-Marines na naghatid din sila ng pera kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa iba pang mga opisyal, at sa kabuuang ay nakapag-deliver sila ng humigit-kumulang 805 billion pesos.

About The Author