Maswerteng nailigtas ng National Bureau of Investigation (NBI) ang limang menor de edad na biktima ng sexual exploitation sa isang operasyon sa Quezon City.
Ayon kay NBI Director Judge Jaime Santiago, nahuli sa akto ng mga operatiba ang suspek na babae, na nag-facilitate ng sexual exploitation o habang nagso-show ang mga biktima.
Ang limang bata ay naiturnover na sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa kanilang pangangalaga, habang ang suspek ay nasa kustodiya na ng NBI.
Batay sa imbestigasyon, natuklasan ang ilegal na gawain ng suspek mula sa impormasyon ng Royal Canadian Mounted Police na may kinalaman sa isang Canadian national.
Pinangunahan ni Santiago ang entrapment operation, kung saan natuklasan na mismong kaanak ng mga biktima ang pasimuno ng sexual abuse.