Inamin ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Medardo de Lemos na nahirapan sila sa proseso para makaharap si dating Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. sa Timor-Leste.
Si de Lemos ay bahagi ng delegasyon ng NBI na nagtungo sa Timor-Leste matapos maaresto si Teves habang naglalaro ng golf noong nakaraang linggo.
Sinabi ng NBI director na nang wala pa rin silang na-accomplish sa ikalawang araw ng kanilang pagtatangka ay humingi na sila ng tulong kay Timor-Leste President Jose Ramos-Horta upang payagan silang makuhanan ng larawan si Teves para sa kanilang report kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Sa kanilang paghaharap, inamin ng pinatalsik na kongresista kay de Lemos na natatakot itong umuwi sa pilipinas.
Nangako naman ang NBI director na walang mangyayaring masama kay Teves pagbalik nito sa bansa, alinsunod sa commitment ng kanilang ahensya kay President Horta.