dzme1530.ph

NBI, inirekumenda sa DOJ ang pagsasampa ng kasong kriminal laban kay VP Duterte

Loading

Inirekumenda ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice ang pagsasampa ng kasong kriminal laban kay Vice President Sara Duterte, kaugnay sa “death threats” nito kina Pres. Ferdinand Marcos Jr., First Liza Araneta-Marcos, at House Speaker Martin Romualdez.

Sinabi ni NBI Dir. Jaime Santiago na kabilang sa mga inirekumendang kaso ay ‘grave threats’ at inciting to sedition.

Matatandaan, nito lamang nakaraang taon ng buwan ng Nobyembre, sa isang virtual press conference binanggit ni Inday Sara na nakipagkasundo na siya sa isang assassin upang ipapatay ang Presidente, First Lady at House Speaker.

Dahil dito, agad na itinuring ng Malacañang na isa itong ‘active threat’, kasabay ng pag-himok sa Presidential Security Group na agad kumilos, kung ano ang nararapat na gawin sa naging banta ng bise presidente.