dzme1530.ph

NBI, humingi ng tulong sa Interpol para mapabalik sa bansa si dating P/Col. Garma

Loading

Hihingi ng tulong ang National Bureau of Investigation (NBI) sa Interpol para mapabalik sa bansa si retired Police Colonel Royina Garma.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, makikipag-ugnayan na sila sa Interpol matapos maglabas ng arrest warrant ang korte laban kay Garma at ilang iba pang personalidad.

Kaugnay ito sa kaso ng pagpatay kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Board Secretary Wesley Barayuga.

Dagdag ni Santiago, nakikipagtulungan naman sa Pilipinas ang Malaysia, bansang pinuntahan ni Garma noong Setyembre 7.

Paliwanag niya, kung matukoy ng Malaysian authorities na may warrant of arrest laban sa dating police official, maaari itong arestuhin at ipaalam agad sa Pilipinas upang sunduin.

About The Author