dzme1530.ph

NBI, hihilingin sa DFA na kanselahin ang passport ni suspended Cong. Arnie Teves

Plano ng National Bureau of Investigation (NBI) na ipakansela ang pasaporte ni suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr., ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

Sinabi ni Remulla na maghahain ang NBI sa Department of Foreign Affairs (DFA) para sa cancellation of passport sa sandaling maisampa na ang murder complaint laban kay Teves, dahil sa pagiging mastermind umano sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at siyam na iba pa.

Inakusahan din ng kalihim si Teves na mayroong mga passport na may iba’t ibang nationalities.

Tumanggi namang magkomento sa isyu si Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ni Teves, sa pagsasabing wala itong impormasyon. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author